bukas kaarawan ng switieq (asawa ko), june 13. sa ngayon wala pa akong naiisip kung ano ireregalo ko sa kanya. kaya nagsearch ako sa internet, kung ano bang magandang iregalo kaya heto nakagawa ako ng isang blog tungkol sa mga pwedeng iregalo sa aking asawa. at baka makatulong din sa iyo ang blog na eto.
1. cellphone - kung madalas niyang ireklamo ang kanyang cellphone dahil sa mabilis ng malobat ang battery, it's time na bigyan mo siya ng battery kung ang cellphone ay pwede pang magamit. pero kung ang problema ay ang cellphone mismo, bigyan mo na ng bago. huwag kang bibili kung mga 2nd hand o mga china phones. magreregalo ka rin lang, yung bago na ang ibigay mo.
2. digital camera - kung mas mahilig siyang magpapicture kaysa sa 'yo o mas gusto niyang siya ang photographer ninyong mag-anak, eto ang magandang regalo para sa kanya.
3. ipad, laptop o netbook - para mabilis niyang maupload sa internet ang inyong mga pictures, eto ang kailangan niya. para hindi na siya maghihiram o maghihintay na matapos ka sa paggamit ng inyong pesonal computer. samahan mo na rin ng router kung marami kayong gagamit ng internet.
4. psp o nintendo ds - kung minsan kasi ang mga lalaki gusto nilang magpalipas ng oras sa paglalaro gamit ang maliliit na gadget katulad ng psp o nintendo ds. lalo na kung may hinihintay sila at naiinip sila, imbes na manigarilyo, eto ang ipahawak mo sa kanya.
5. full body massage - para marelax naman ang kanilang isip at katawan kahit sa araw lang ng kanilang kaarawan.
6. out of town trip - magplano ng kahit isa hanggang tatlong araw na bakasyon na kayo lang mag-asawa. marerefresh sa inyong diwa ang nakaraan niyo ng kayo ay magkasintahan pa lamang.
7. payong o kapote - tag-ulan na ngayon. kung madalas nasa labas ang inyong mister para magtrabaho, bigyan mo siya ng payong. protection niya sa araw at ulan. kung motor ang ginagamit niya pagpasok sa trabaho at paguwi, kapote ang bagay sa kanya. para hindi na sumisilong sa mga waiting sheds pag inaabutan siya sa daan ng ulan.
8. sapatos o tsinelas - mas gamitin nila eto, kaya mas marami, mas maganda kasi marami silang pagpipilian sa pagterno sa getup nila.
9. barbecue grill - kung mahilig magbarbecue ang hubby mo, maaappreciate niya ang gift mo.
10. pabango - para always fresh ang inyong hubby, samahan mo na ng isang love note.
marami ka pang pwedeng iregalo sa iyong asawa para mapasaya siya sa kanyang kaarawan. huwag lang kalilimutan, mga materyal na bagay lang ang mga nakasulat sa taas, pwedeng masira o mawala ang mga iyan. ang mas importante, maipadama mo sa kanya ang iyong pagmamahal at hindi mo nalimutan ang isa sa pinakamahalagang araw sa kanyang buhay.